Xi Jinping at Andres Manuel Lopez Obrador, nagtagpo

2023-11-17 02:09:09  CMG
Share with:

San Francisco, Amerika — Sa kanyang pakikipagtagpo umaga ng Nobyembre 16 (lokal na oras), 2023 kay Pangulong Andres Manuel Lopez Obrador ng Mexico, ipinaabot ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang pagbati sa pagtatamo ng Mexico ng mahalagang tagumpay sa proseso ng pag-unlad ng bansa nitong 5 taong nakalipas.


Ani Xi, lubos niyang pinahahalagahan ang pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Mexico. Nakahanda aniya siyang magsikap kasama ni Lopez upang ipagpatuloy ang tradisyonal na pagkakaibigan at mapasulong pa ang relasyon ng dalawang bansa.


Ipinahayag din ni Pangulong Xi ang muling pakikiramay kay Lopez kaugnay ng napakalaking human casualty at kapinsalaan sa ari-arian na dulot ng bagyo.


Salin: Lito