Dalawampu’t anim (26) katao ang nasawi, at 38 iba pa ang sugatan sa pagkasunog, Nobyembre 16, 2023 ng gusali ng isang kompanya ng karbon sa lunsod Lvliang, lalawigang Shanxi ng Tsina.
Kaugnay nito, ipinag-utos ni Pangulong Xi Jinping ng bansa ang puspusang pagliligtas at paggamot sa mga sugatan, pagtulong sa kapamilya ng mga nasawi at sugatan, at malalim na imbestigasyon sa sanhi ng insidente, upang mapanagot sa batas ang sinumang may-kagagawan.
Ani Xi, dapat malalimang pulutin ang aral mula sa nasabing insidente, i-optimisa ang plano sa pangkagipitang pagtugon at i-akma ang mga hakbanging pamprebensyon, pigilan ang mga malubha at napakalubhang aksidente, at totohanang pangalagaan ang kaligtasan ng buhay at ari-arian ng mga mamamayan at katatagan ng lipunan.
Samantala, upang patnubayan ang gawain ng pagliligtas at pangkagipitang responde, nagsadya na sa pinangyarihan ng insidente ang mga opisyal ng Konseho ng Estado ng bansa at iba pang may-kaugnayang departamento ng pamahalaan.
Salin: Vera
Pulido: Rhio