Xi Jinping at Sitiveni Rabuka, nagtagpo

2023-11-17 03:51:13  CMG
Share with:

San Francisco, Amerika — Sa kanyang pakikipagtagpo umaga ng Nobyembre 16 (lokal na oras), 2023 kay Punong Ministro Sitiveni Rabuka ng Fiji, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na nitong kalahating siglong nakalipas, nakaranas ang relasyon ng Tsina at Fiji sa pagsubok ng pagbabago ng situwasyong pandaigdig, at natamo ang malaking progreso.


Ani Xi, palagiang sinusuportahan ng Tsina ang sariling pagpili ng mga mamamayan ng Fiji ng landas ng pag-unlad, sinusuportahan ang Fiji sa pagsasakatuparan ng pag-unlad at pag-ahon ng bansa, at sinusuportahan ang pagpapatingkad ng Fiji ng mas malaking papel sa arenang panrehiyon at pandaigdig.


Sa bagong kalagayan, nakahanda ang Tsina na magsikap kasama ng Fiji upang patuloy na mapasulong ang malusog at matatag na komprehensibo’t estratehikong partnership ng dalawang bansa upang makapaghatid ng mas maraming benepisyo sa kanilang mga mamamayan, diin pa ni Xi.


Salin: Lito