Tsina sa Hapon: itigil ang panggugulo sa SCS

2023-11-17 10:58:18  CMG
Share with:

 

Kaugnay ng sinabi ng Hapon na magkakaloob ito ng mga kagamitang militar gaya ng radar sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas (AFP), ipinahayag ni Zhang Xiaogang, Tagapagsalita ng Ministri ng Depensa ng Tsina, na ang mga kooperasyong pandepensa ay hindi dapat makapinsala sa kapakanan ng ikatlong panig, at katatagan at kapayapaang panrehiyon.

 

Nitong ilang taong nakalipas, patuloy aniyang nagkaloob ng mga sandata at kagamitang militar sa ibang bansa ang Hapon, at tinatangka nitong guluhin ang kalagayan ng South China Sea (SCS).

 

Ito ay hindi lamang labag sa sariling konstitusyon at patakaran, kundi nakakapinsala rin sa kaayusan ng mundo matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig (WWII) at kalagayan ng Asya-Pasipiko, dagdag niya.

 

Hinimok niya ang panig Hapones na pag-ingatan ang mga pananalita at aksyon sa larangang militar at panseguridad.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio