Xi Jinping at Dina Boluarte, nagtagpo

2023-11-17 03:02:23  CMG
Share with:

San Francisco, Amerika — Sa kanyang pakikipagtagpo umaga ng Nobyembre 16 (lokal na oras), 2023 kay Pangulong Dina Boluarte ng Peru, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na nitong kalahating siglong nakalipas sapul nang maitatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Peru, nag-uunawaan at nagkakatigan ang dalawang bansa sa isa’t-isa sa mga mahalagang isyung may kaugnayan sa kani-kanilang nukleong kapakanan, at matatag na sumusulong ang bilateral na kooperasyon ng dalawang bansa.


Sinabi ni Xi na ang ngayong taon ay ika-10 anibersaryo ng pagkakatatag ng komprehensibo’t estratehikong partnership ng Tsina at Peru. Nitong 10 taong nakalipas, natamo ng kooperasyon ng dalawang bansa ang kapansin-pansing bunga, aniya.


Diin niya, sa bagong kalagayan, ang pagpapaunlad ng mabuting relasyon ng Tsina at Peru ay hindi lamang angkop sa komong kapakanan ng dalawang bansa at komong mithiin ng kanilang mga mamamayan, kundi may mahalagang katuturan para sa pangangalaga sa malusog at matatag na pag-unlad ng kabuhayang Asya-Pasipiko.


Salin: Lito