Pagbiyahe ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Amerika, inihalad ni Wang Yi

2023-11-19 00:19:38  CMG
Share with:

Sa paanyaya ni Pangulong Joe Biden ng Amerika, mula noong Nobyembre 14 hanggang 17, 2023, pumunta si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa San Francisco, Amerika upang maidaos ang pagtatagpo ng mga lider ng Tsina at Amerika at dumalo sa Ika-30 Di-pormal na Pulong ng mga Lider ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC).


Sa okasyon ng pagtatapos ng biyahe ni Pangulong Xi, inilahad ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina ang kalagayan ng biyaheng ito.


Sinabi ni Wang na sa kasalukuyan, dumaranas ang daigdig sa napakalaking pagbabago, at nasa historical turning point ang buong sangkatauhan. Binibigyan ng lubos na pansin ng mga mamamayan ng dalawang bansa ang direksyon ng pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano, at mataas ding sinusubaybayan ng komunidad ng daigdig tungkol dito.


Bukod pa riyan, ngayong taon ay ika-30 beses na pagtipun-tipon ng mga lider ng APEC, at malalimang isinasaalang-alang ng iba’t-ibang panig ang direksyon ng pagtungo ng APEC sa susunod na 30 taon, ani Wang.


Sa mahalagang okasyong ito, bumiyahe aniya si Pangulong Xi sa Amerika.


Ipinalalagay ng opinyong publiko sa daigdig na natamo ng biyaheng ito ang kapansin-pansing bunga, bagay na nakapagpadami ng katiyakan sa relasyong Sino-Amerikano, nakapagbigay ng bagong puwersang panulak sa kooperasyong Asya-Pasipiko, at nagkaloob ng positibong puwersa sa kayariang panrehiyon at pandaigdig.


Una, ipinagkaloob ang patnubay sa relasyong Sino-Amerikano sa makabagong panahon.


Sinabi ni Wang na sa pagtatagpo nina Pangulong Xi Jinping at Pangulong Joe Biden, matapat at malaliman silang nagpalitan ng kuru-kuro tungkol sa relasyong Sino-Amerikano at mga mahalagang isyung may kaugnayan sa kapayapaan at kaunlarang pandaigdig.


Aniya, matapos ang magkasamang pagsisikap ng kapuwa panig, natamo ng pagtatagpong ito ang mahigit 20 mahalagang bunga, bagay na nagkaloob ng patnubay sa pagbalik ng relasyong Sino-Amerikano sa normal na landas.

 

Sinabi ni Wang na ang pagtatagpong ito ay isang mahalagang pangyayari hindi lamang sa kasaysayan ng relasyong Sino-Amerikano, kundi sa relasyong pandaigdig.


Ito aniya ay makakatulong sa pagtungo ng relasyong Sino-Amerikano sa malusog, matatag, at sustenableng direksyon na hindi lamang angkop sa kapakanan at mithiin ng mga mamamayan ng dalawang bansa, kundi maging sa inaasahan ng buong mundo.


Ikalawa, pinagtipun-tipon ang lakas ng mga mamamayang Tsino at Amerikano.


Sinabi ni Wang na sa pananatili sa San Francisco, dumalo si Xi sa bangketeng panalubong na inihandog ng mga grupong pangkaibigan ng Amerika na dinaluhan ng mga personahe mula sa iba’t-ibang sektor ng Amerika.


Sa kanyang talumpati sa bangkete, mahigit 60 beses na binanggit ni Xi ang salitang “mamamayan.”


Ipinagdiinan ni Xi na bagama’t nagkakaiba ang kasaysayan at kultura, sistemang panlipunan, at landas ng pag-unlad ng Tsina at Amerika, mabait at masipag ang mga mamamayan ng dalawang bansa.


Dahil sa kanilang magkakapit-bisig na pagsisikap, paulit-ulit na bumabalik ang relasyong Sino-Amerikano sa tumpak na landas mula sa kahirapan.


Magkakasunod na inihayag ng mga kalahok na Amerikano na malalim ang pagkakaibigan ng mga mamamayang Amerikano at Tsino, at ito ay pundasyon ng matatag na pag-unlad ng relasyong Amerikano-Sino sa mahabang panahon.


Patuloy anilang magsisikap upang mapasulong ang pag-uunawaan ng mga mamamayan ng dalawang bansa at makapag-ambag sa pagpapabuti ng kanilang relasyon.


Ikatlo, ipinagpatuloy ang orihinal na aspirasyon ng kooperasyong Asya-Pasipiko.


Sinabi ni Wang na kaugnay ng pag-unlad ng kooperasyong Asya-Pasipiko sa susunod na 30 taon, iniharap ni Pangulong Xi na dapat igiit ang inobasyon, pagbubukas, berdeng pag-unlad, at magkakasamang pagtatamasa upang mapasulong ang pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran sa pamamagitan ng de-kalidad na paglaki at tamasahin ng mga mamamayan ng iba’t-ibang bansa ang bunga ng konstruksyon ng modernisasyon.


Sinabi ni Wang na ang mga mungkahi ni Xi ay may mahalagang katuturang pampatnubay at halaga para sa kooperasyong Asya-Pasipiko at pag-unlad ng buong mundo.


Ika-apat, inilahad ang ideya ng landas ng Tsina.


Sa pananatili sa San Francisco, ipinalabas ni Pangulong Xi ang nakasulat na talumpati sa APEC CEO Summit, at komprehensibo niyang inilahad sa maraming okasyon ang esensyal na nilalaman at katuturang pandaigdig ng modernisasyong Tsino sa iba’t-ibang sirkulong Amerikano.


Tinukoy ni Xi na ang modernisasyong Tsino ay hindi lamang may komong katangian ng modernisasyon ng iba’t-ibang bansa, kundi may malinaw na katangiang nakabase sa kalagayang pang-estado ng Tsina.


Ipinagdiinan ni Xi na kahit anong nagbabago ang situwasyong pandaigdig, hindi nagbabago ang determinasyon ng Tsina sa walang patid na pagpapabuti ng kapaligirang pangnegosyo, at hindi ring nagbabago ang patakaran nito sa pagkakaloob ng mabuting serbisyo sa lahat ng dayuhang mamumuhunan.


Sa bandang huli, sinabi ni Wang na mula pagtatagpo ng mga lider ng Tsina at Rusya sa Moscow noong unang dako ng kasalukuyang taon, hanggang pagtatagpo ng mga lider ng Tsina at Amerika sa San Francisco sa huling dako ng taong ito, walang patid na isinusulong ng Tsina ang pagkokoordinahan at pagtutulungan sa pagitan ng mga malaking bansa para maitatag ang matatag at balanseng balangkas ng relasyon ng malalaking bansa.


Ito aniya ay lubos na nagpapakita ng pagsasabalikat ng Tsina ng responsibilidad nito bilang isang malaking bansa.


Salin: Lito