Grupo ng mga ministrong panlabas ng mga bansang Arabe’t Islamiko, dadalaw sa Tsina: Usapin ng Palestina’t Israel, pag-uusapan

2023-11-20 11:37:07  CMG
Share with:

Ipinatalastas, Nobyembre 19, 2023 ni Tagapagsalita Mao Ning ng Ministring Panlabas ng Tsina, na dadalaw sa bansa mula Nobyembre 20 hanggang 21, ang delegasyon ng mga ministrong panlabas ng mga bansang Arabe’t Islamiko, para talakayin ang pagpapahupa ng sagupaan sa pagitan ng Palestina’t Israel, pangangalaga sa mga sibilyan, at makatarungang paglutas sa isyu ng Palestina.

 

Kabilang sa mga darating ay sina Prinsipe at Ministrong Panlabas ng Saudi Arabia, Faisal bin Farhan Al Saud; Pangalawang Punong Ministro at Ministrong Panlabas ng Jordan, Ayman Safadi; Ministrong Panlabas ng Ehipto, Sameh Shoukry; Ministrong Panlabas ng Indonesya, Retno Marsudi; Ministrong Panlabas ng Palestina, Riyad Al-Maliki; at Pangkalahatang Kalihim ng Organization of Islamic Cooperation (OIC), Hissein Brahim Taha.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio