Agarang tigil-putukan sa Gaza, hiniling ng hepe ng UN

2023-11-20 15:01:07  CMG
Share with:

Sa kanyang panawagan, Nobyembre 19, 2023, sinabi ni Antonio Guterres, Pangaklahatang Kalihim ng United Nations (UN), na kailangang agarang maisakatuparan ang tigil-putukan sa Gaza Strip upang hindi na madagdagan pa ang bilang ng mga nasasawi.

 

Aniya, dahil sa sagupaan sa Gaza Strip, kahindig-hindig na bilang ng mga sibilyang kinabibilangan ng mga babae at bata ang nasasawi bawat araw.

 

Kaya, kailangang matigil ang kaguluhan, dagdag niya.

 

Bukod kay Gutteres, parehong panawagan ang inihayag din ng World Health Organization (WHO).

 

Anito, kailangang matigil ang sagupaan, at pag-atake sa ospital at iba pang mahahalagang imprastruktura sa Gaza Strip para mapigilan ang makataong krisis.

 

Ayon naman sa Hamas, sapul nang maganap ang sagupaan, mahigit 13 libo katao na ang namatay at mahigit 30 libong iba pa ang napinsala sa Gaza Strip.

Kabilang sa mga namatay ay mahigit 5,500 bata, mahigit 3,500 babae, 201 tauhang medikal, at 60 mamamahayag.

 

Samantala, mahigit 6,000 iba pa ang nawawala.

 

Bukod pa riyan, nahinto rin ang operasyon ng 25 ospital at 52 sentrong medikal.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio