Tsina, pasusulungin ang de-kalidad na pag-unlad ng pinansiya

2023-11-21 16:29:28  CMG
Share with:

Sa pulong ng Central Financial Commission ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) na idinaos kahapon, Nobyembre 20, 2023, sinuri ang plano ng mga gawain hinggil sa pagpapasulong ng de-kalidad na pag-unlad ng pinansiya ng Tsina.

 

Pinanguluhan ni Li Qiang, Premyer Tsino at Direktor ng komisyong ito ang pulong.

 

Idiniin ng pulong na dapat pataasin ang kalidad ng serbisyong pinansyial para sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan, at sa pundasyon ng prudent monetary policy, pahigpitin ang pagsuporta sa mga pangunahing estratehiya, masusing larangan, at mahinahong links.

 

Anang pulong, dapat matatag na i-promote ang pagbubukas ng sektor na pinansiyal sa labas at pag-unlad ng pinansiya.

 

Ipinasiya ng pulong na kasabay ng komprehensibong pagpapahigpit ng pangangasiwa at pagmomonitor sa pinansiya, dapat pahalagahan ng bansa ang pangangasiwa sa mga krisis mula sa simula at pabutihin ang mekanismo ng pagpigil, pag-alerto at paghawak sa mga krisis.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio