Ipinahayag Nobyembre 20, 2023 ng Bangko Sentral ng Tsina na nilagdaan nila ng Bangko Sentral ng Saudi Arabia ang bilateral na kasunduan ng pagpapalit ng salapi.
Ipinahayag ng Bangko Sentro ng Tsina na ang kasunduan ay makakatulong sa pagpapahigpit ng kooperasyong pinansiyal ng dalawang bansa, pagpapasulong ng bilateral na kalakalan at pagpapadali ng pamumuhunan sa isa’t isa.
Ayon sa Bangko Sentral ng Tsina, ang kabuuang bolyum ng kasunduan ay 50 bilyong yuan Renminbi o 26 billion Saudi riyals.
Ito ay tatagal ng tatlong taon at maaaring ipagpapatuloy kung sasang-ayunan ng dalawang panig.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil