Idinaos kahapon, Nobyembre 21, 2023 sa Beijing nina Wang Yi, Miyembro ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Ministrong Panlabas ng Tsina, at Bakhtiyor Saidov, Ministrong Panlabas ng Uzbekistan, ang unang estratehikong diyalogo ng mga ministrong panlabas ng dalawang bansa.
Malalimang tinalakay nila ang hinggil sa pagsasakatuparan ng mahalagang komong palagay ng mga pangulo ng dalawang bansa at pagpapahigpit ng pag-uugnayan ng estratehiya ng pag-unlad.
Magkasama nilang ipinatalastas ang pagkakatatag ng mekanismo ng estratehikong diyalogo ng mga ministrong panlabas ng dalawang bansa.
Kapwa nilang ipinahayag na dapat ibayo pang pahigpitin ng dalawang bansa ang kooperasyon sa ilalim ng mga multilateral na balangkas na gaya ng United Nations at Shanghai Cooperation Organization, pasulungin ang konstruksyon ng mekanismo ng Tsina at Gitnang Asya, at pangalagaan ang kapayapaan, kaunlaran, katatagan at seguridad ng rehiyong ito.
Nagpalitan din sila ng palagay hinggil sa sagupaan ng Palestina at Israel.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil