2023 WRC, binuksan sa Dubai

2023-11-22 14:23:55  CMG
Share with:

 

Binuksan Nobyembre 20, 2023 sa Dubai, United Arab Emirates ang 2023 World Radiocommunication Conference (WRC) na nilahukan ng mahigit 4000 kinatawan mula sa 193 kasaping bansa ng International Telecommunication Union (ITU), mga pandaigdigang organisasyon at mga may kinalamang bahay-kalakal.

 

Ang pulong na ito ay tatagal nang 4 na linggo at tatalakayin ng mga kalahok ang 28 isyung kinabibilangan ng pagbabahaginan ng mga bagong frequency ng 5G/6G, paggamit ng sistema ng serbisyo ng Beidou short message sa buong daigdig, sustenableng pag-unlad ng internet sa hinaharap, at paggamit ng mga frequency sa abiyasyon, paglalayag, pagbabago ng klima at paggagalugad na meteorolohikal.

 

Ang WRC ay ginaganap tuwing 3 hanggang 4 na taon.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil