Sa kanyang mensahe ngayong araw, Nobyembre 23, 2023 sa ika-2 Global Digital Trade Expo (GDTE), tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na lumolobo ang kasalukuyang pandaigdigang didyital na kalakalan.
Nitong ilang taong nakalipas, aktibo aniyang pinabubuti ng Tsina ang sistema ng pangangasiwa sa didyital na kalakalan, pinasusulong ang inobasyon at pag-unlad ng didyital na kalakalan at ipinagkakaloob ang bagong pagkakataon sa daigdig sa pamamagitan ng bagong pag-unlad ng Tsina.
Umaasa siyang susuportahan ng iba’t-ibang panig ang GDTE, para magkasamang mapasulong ang didyital na kalakalan at makapagkaloob ng bagong puwersa para sa komong pag-unlad at paglaki ng kabuhayang pandaigdig.
Binuksan nang araw na iyon ang Ika-2 GDTE sa lunsod Hangzhou ng lalawigang Zhejiang, gawing silangan ng Tsina.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio