Sa pakikipagtagpo, Nobyembre 22, 2023 sa Beijing ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Vyacheslav Volodin, Tagapangulo ng State Duma, mababang kapulungan ng Rusya, sinabi niyang mahalaga ang pagpapalakas ng kooperasyon ng mga lehislatura ng dalawang bansa para maigarantiya ang matatag at sustenableng pag-unlad ng relasyong Sino-Ruso.
Umaasa aniya siyang mapapalalim ng Pambansang Kongreso Bayan ng Tsina (NPC) at State Duma ang pagpapalitan ng karanasan sa pagbalangkas ng batas para maipagkaloob ang mas mabuting tulong sa bilateral na kooperasyon ng dalawang bansa.
Ipinahayag naman ni Volodin na kasama ng panig Tsino, nakahandang pabutihin ng panig Ruso ang pagpapalitan at kooperasyon ng mga lehislatura at partido ng dalawang bansa.
Ito aniya ay para mapalalim ang pagkakaibigan at pagtitiwalaan ng mga Ruso’t Tsino, at maipagkaloob ang garantiyang pambatas tungo sa sustenableng pag-unlad ng relasyon at kooperasyon ng Rusya at Tsina.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio