Xi Jinping, nagpadala ng mensaheng pambati sa World Conference on China Studies - Shanghai Forum

2023-11-24 12:24:08  CMG
Share with:

Nagpadala ngayong araw, Nobyembre 24, 2023 si Pangulong Xi Jinping ng Tsina ng mensahenng pambati sa World Conference on China Studies - Shanghai Forum.


Sa kanyang mensahe, tinukoy ni Xi na ang China Studies ay isang akademiyang hindi lamang pag-aaral ng kasaysayan at tradisyonal na kultura ng Tsina, kundi magtatampok din ng komteporaryong Tsina.


Sinabi ni Xi na ang pag-aaral ng mga sibilisasyon sa isa’t isa ay maaaring magpasulong sa komong pag-unlad at umaasa rin siyang walang humpay na pasusulungin ng mga dalubhasa ng iba’t ibang bansa ang pandaigdigang China Studies, pagpapalitan at pag-aaral ng mga sibilisasyon sa isa’t isa para payamanin ang ideya at kultura ng sibilisasyon ng buong daigdig.


Nang araw ring iyon, binuksan sa Shanghai ang World Conference on China Studies.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil