Mula Noyembre 13 hanggang Nobyembre 22, 2023, idinaos ng Tsina, Thailand, Laos, Kambodya, Biyetnam, at Malaysia, ang magkakasanib na pagsasanay militar na may code name na "Aman Youyi - 2023."
Ito ang ikalimang beses na pagsasagawa ng ensayong "Aman Youyi."
Kumpara sa nagdaang ensayo, nagdoble ang bilang ng mga kalahok na bansa, at kabilang dito, ang Laos, Biyetnam, at Kambodya ay lumahok sa kauna-unahang pagkakataon.
Sa halip na operasyong pandigma, nagpokus ang pagsasanay militar sa mga hamong panseguridad na kinakaharap ng mga bansa sa paligid ng South China Sea na gaya ng terorismo at pirata.
Sa panahon ng ensayo, binuo ng mga sundalo mula sa iba't ibang bansa ang mga grupo batay sa kani-kanilang misyon, para palakasin ang kakayahan sa magkakasamang aksyon at palalimin ang estratehikong pagtitiwalaan.
Mula sa hukbong pandagat ng Tsina, ang destroyer Nanning at replenishment ship Weishanhu ay lumahok sa ensayo, pagkaraan ng kanilang escort operation sa Gulf of Aden.
Ipinalalagay ng mga kalahok na bansa, na ang pagsasanay militar na ito ay makakatulong sa kapayapaan at katatagan sa South China Sea.
Editor: Liu Kai