Inihayag, Nobyembre 25, 2023 ng Palestinian Islamic Resistance Movement (HAMAS), na 17 bihag na kinabibilangan ng 13 Israeli at 4 na Thai ang pinalaya nito.
Sila ay inilagay sa pangangalaga ng Red Cross, anang Hamas.
Kaugnay nito, isinapubliko ng tanggapan ng Punong Ministro ng Israel ang listahan ng nasabing mga napalaya.
Ayon naman sa hukbong pandepensa ng Israel, nakapasok na sa teritoryo ng bansa ang nasabing 13 Israeli at 4 na Thai mula sa Ehipto.
Bilang resiprokal na aksyon, ibinalita ngayong araw, Nobyembre 26, ng media ng Palestina, na 39 na Palestinong bihag ang pinalaya rin ng Israel.
Pormal na nagkabisa, alas siyete ng umaga, Nobyembre 24, (lokal oras) ang kasunduan ng tigil-putukan ng Israel at Hamas sa Gaza Strip.
Ayon dito, ititigil ng Hamas at Israel ang “lahat ng aksyong militar” sa loob ng darating na 4 na araw.
Salin: Lito
Pulido: Rhio