Ika-3 pangkat ng mga bihag, pinalaya ng Hamas at Israel

2023-11-27 15:25:42  CMG
Share with:

 

Ipinatalastas, Nobyembre 26, 2023 ng Al-Qassam Brigade, isang armadong paksyon ng Hamas, na pinalaya na nila ang ikatlong pangkat ng mga bihag na kinabibilangan ng 13 Israeli, 3 Thai at 1 Ruso.

 

Ayon naman sa ulat ng media ng Palestina, pinalaya ng Israel ang 39 na Palestino.

 

Kinumpirma ng Sandatahang Pandepensa ng Israel ang pagtanggap sa nabanggit na 17 katao.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio