Isang sikat na sikat na museo sa buong daigdig ang British Museum pero, karamihan sa mga koleksyon nito ay galing sa ibang bansa, sa pamamagitan ng digmaan, pagnanakaw at pagbili sa black market.
Nitong nakaraang taon, walang humpay na hiniling ng maraming bansa sa Britanya na ibalik ang mga dinambong na relikya.
Noong Nobyembre 26, ipinahayag ni Punong Ministro Kyriakos Mitsotakis ng Gresya na dapat ibalik na ng Britanya ang marble sculpture ng Parthenon Temple habang dumadalaw siya sa Britanya.
Bilang isang bansang may pinakamaraming koloniya sa buong daigdig, ipinapakita ng karamihan sa mga koleksyon ang kasaysayan ng pagdambong ng Britanya sa ibang mga bansa at rehiyon na gaya ng Benin sculptures ng Nigeria, Rosetta Stone ng Ehipto at mga relikya ng Tsina.
Bilang tugon sa kahilingan at pagsisikap ng mga bansa na gaya ng Tsina para sa pagpapabalik ng mga dinambong na relikya, tinanggihan ng Britanya ang naturang mga kahilingan sa ngalan ng pangangalaga sa kaligtasan ng mga relikya.
Pero noong nagdaang Agosto ng taong 2023, nawawala ang halos 2000 koleksyon ng British Museum. Ilan sa bahagi ng mga nawawalang koleksyon ay ibinebenta on-line. Ito’y nagpapakitang mahinahon ang kakayahan ng Britanya sa pangangalaga sa kaligtasan ng mga relikya.
Ang relikya ay simbolo ng kultura at kasaysayan ng isang bansa at nasyon. Ang kahilingan at pagsisikap ng mga bansa sa British Museum at Pamahalaan ng Britanya para sa pagpapabalik ng mga dinambong na relikya ay naglalayong pangalagaan ang pamana ng sariling bansa at nasyon. Nililinis nito ang natitirang impluwensiya ng koloniyalismo.
Sa kasalukuyan, natapos na ang panahon ng koloniyalismo at dapat tumpak na pakitunguhan ng Britanya ang kahilingan ng mga bansa at ibalik ang kanilang mga dinambong na relikya sa lalong madaling panahon.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil