Israel at Hamas, patuloy na pinalaya ang mga bihag

2023-11-28 15:23:41  CMG
Share with:

 

Ayon sa ulat ng media ng Palestina, pinalaya madaling araw ng Nobyembre 28, 2023 ng Israel ang 33 Palestino.

 

Ang naturang mga Palestino ay kinabibilangan ng 30 bata at 3 babae at karamihan sa kanila ay galing sa kanlurang pampang ng ilog Jordan at silangan ng Jerusalem.

 

Nauna rito, inilabas kagabi, Nobyembre 27, 2023 ng hukbo ng tanggulang bansa ng Israel ang pahayag na nagsasabing tinanggap na nito ang ika-4 na pangkat ng mga bihag na pinalaya ng Islamic Resistance Movement (Hamas).

 

Ayon sa pahayag, kabilang sa nabanggit na pinalayang bihag ang 11 Israeli.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil