Xi Jinping, pinanguluhan ang pulong sa pagpapasulong ng dekalidad na pag-unlad ng Yangtze River Economic Belt at CPC leadership sa mga suliraning panlabas

2023-11-28 15:39:27  CMG
Share with:

Idinaos kahapon, Nobyembre 27, 2023, ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) ang pulong sa pagsusuri sa patakaran at hakbangin para sa higit pang pagpapasulong ng dekalidad na pag-unlad ng Yangtze River Economic Belt. 

 

Pinanguluhan ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC, ang naturang pulong, kung saan sinuri din ang regulasyon ng CPC leadership sa mga suliraning panlabas.  

 

Binigyan-diin sa pulong na ang estratehiya ng pag-unlad ng Yangtze River Economic Belt ay pangunahing estratehikong kapasiyahan ng Komite Sentral ng CPC. 

 

Ang pagpapasulong ng dekalidad na pag-unlad ng Yangtze River Economic Belt ay pundamental na umaasa sa malusog na ekolohiya ng Yangtze River basin, sinabi sa pulong. 

 

Binigyan-diin sa pulong na dapat samantalahin ang ekolohikal na pulang linya at ilagay ito sa pangangasiwa. 

 

Dapat magsikap para bawasan ang emisyon ng karbon at paliitin ang polusyon, dagdagan ang mga halaman at pasulungin ang paglaki, sa pamamagitan ng koordinasyong paraan, saad sa pulong. 


Binigyan-diin sa pulong ang kahalagahan ng inobasyong pansiyensiya’t pangteknolohiya para sa pagpapasulong ng dekalidad na pag-unlad ng Yangtze River Economic Belt, at dapat buong lakas na pasulungin ang modernisasyon ng industrial chain at supply chain. 


Bingiyan-diin din sa pulong na dapat pabilisin ang pagbubuo ng sistema ng mga batas sa mga suliraning panlabas, at walang humpay na pataasin ang lebel ng mga gawain sa mga suliraning panlabas.  


Salin:Sarah

Pulido:Ramil