Xi Jinping: Dapat pahigpitin ang pag-unlad ng sistemang pambatas na may kinalaman sa labas

2023-11-28 16:12:09  CMG
Share with:

Sa group study session ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) kahapon, Nobyembre 27, 2023, ipinahayag ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC at Pangulong Tsino, na dapat pahigpitin ang pag-unlad ng sistemang pambatas na may kinalaman sa labas.

 

Idiniin ni Xi na dapat makalikha ng kondisyon ng pangangasiwang may pundasyon ng batas at mainam na kapaligirang panlabas para sa konstruksyon ng modernisasyong Tsino.

 

Kaya, ang pagpapahigpit ng pag-unlad ng sistemang pambatas na may kinalaman sa labas ay pangmatagalang pangangailangan ng konstruksyon ng modernisasyong Tsino at pagbangon ng Nasyong Tsino, ani Xi.

 

Saad pa niyang mahalaga ang pag-unlad ng sistemang pambatas na may kinalaman sa labas para sa pagpapasulong ng de-kalidad na pagbubukas sa labas at pagharap sa mga hamon at krisis sa labas.

 

Salin: Ernest

Pulido: Ramil