Wang Yi at António Guterres, nagtagpo

2023-11-29 15:08:34  CMG
Share with:

New York, Punong Himpilan ng United Nations (UN) – Sa pagtatagpo, Nobyembre 28, 2023 nina Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, at António Guterres, Pangkalahatang Kalihim ng UN, ipinahayag ng una na palaging naninindigan ang Tsina sa panig ng kapayapaan at pandaigdigang batas sa usapin ng Palestina at Israel.

 

Katig ang Tsina sa mahalaga at di-mapapalitang papel ng UN sa paglutas ng nasabing sagupaan, dagdag niya.

 

Kabilang aniya sa paninidigan ng Tsina ay, pagpigil sa muling pagkaganap ng sagupaan at pagsasakatuparan ng komprehensibong tigil-putukan; paggarantiya sa walang-sagabal na pagpasok ng mga makataong materyal sa Gaza Strip; at pagpapanumbalik ng “two-state solution” sa lalong madaling panahon.

 

Nanawagan din si Wang sa pagdaraos ng mas malawak, mabisa at makapangyarihang pandaigdigang pulong para itakda ang roadmap at timetable ng pagpapanumbalik ng “two-state solution.”

 

Hinangaan naman ni Guterres ang konstruktibong papel ng Tsina sa pagpapasulong ng pulitikal na kalutasan ng nasabing usapin.

 

Pinasalamatan din niya ang pangungulo ng panig Tsino sa Mataas na Lebel na Pulong ng UN Security Council (UNSC) sa Isyu ng Palestina at Israel.

 

Aniya, ang nasabing pagtitipon ay unang pulong hinggil sa pasasakatuparan ng resolusyon ng bilang 2712 ng UNSC.

 

Matatag na iginigiit ng UN ang pagsasakatuparan ng “two-state solution” para saligang malutas ang isyu ng Palestina at Israel, saad ni Guterres.

 

Nakipagtagpo rin si Wang kina Zambry Abd Kadir, Ministrong Panlabas ng Malaysia, at Mauro Vieira, Ministrong Panlabas ng Brazil.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio