Xi Jinping, naglakbay-suri sa Shanghai

2023-11-29 21:25:43  CMG
Share with:

Sa kanyang paglalakbay-suri sa Shanghai, gawing silangan ng Tsina mula Nobyembre 28 hanggang 29, 2023, dinalaw ni Pangulong Xi Jinping ng bansa ang Shanghai Futures Exchange, pagtatanghal ng Shanghai hinggil sa mga inobasyon ng agham at isang rental housing community.

 

Layon ng kanyang pagdalaw na alamin ang progreso ng mga gawain hinggil sa pagpapalakas ng kakayahan Shanghai bilang pandaigdigang sentrong pinansiyal, pagpapasulong ng inobasyon sa agham at teknolohiya, at konstruksyon ng mga government-subsidized rental housing.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio