Makatarungang paninindigan sa isyu ng Palestina, patuloy na igigiit ng Tsina – Xi Jinping

2023-11-30 14:34:07  CMG
Share with:

Sa kanyang mensahe, Nobyembre 29, 2023, sa pulong ng United Nations (UN) bilang pagdiriwang sa International Day of Solidarity with the Palestinian People, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na patuloy na igigiit ng Tsina ang makatarungang paninindigan sa isyu ng Palestina, aktibong pasusulungin ang diyalogo at kapayapaan, at ipagkakaloob ang mga tulong para sa humanitaryan at pag-unlad ng Palestina.

 

Aniya, ang isyu ng Palestina ay nukleong usapin sa Gitnang Silangan, at ang pundamental na ugat ng sagupaan sa pagitan ng Palestina at Israel ay hindi pa pagsasakatuparan ng lehitimong karapatan ng mga Palestino sa pagtatatag ng independiyenteng estado.

 

Kasama ng komunidad ng daigdig, patuloy na magsisikap ang Tsina, para pasulungin ang pagsasagawa ng “two state solution” upang  komprehensibo, makatarungan at sustenableng malutas ang naturang isyu, sa lalong madaling panahon.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio