Ding Xuexiang at Pangulo ng United Arab Emirates, nagtagpo

2023-12-01 14:40:35  CMG
Share with:

Nagtagpo kahapon, Nobyembre 30, 2023 sa Dubai sina Ding Xuexiang, Pangalawang Premyer Tsino, at Mohamed Bin Zayed Al-Nahyan, Pangulo ng United Arab Emirates (UAE).

Ipinahayag ni Ding na ang taong 2024 ay ika-40 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at UAE.


Aniya, dapat ibayo pang patatagin ng dalawang bansa ang pagtitiwalaang pulitikal, pahigpitin ang aktuwal na kooperasyon, at pasulungin ang de-kalidad na kooperasyon ng Belt and Road, at kooperasyon sa pagitan ng Tsina, mga bansang Arabe at kasaping bansa ng Gulf Cooperation Council.


Tinukoy din ni Ding na hinangaan ng panig Tsino ang pagsisikap ng UAE para sa pagdaraos ng UN Climate Change Conference sa Dubai.


Kasama ng UAE, nakahanda ang Tsina na pahigpitin ang pagtutulungan sa mga multilateral na plataporma, pasulungin ang pagpapahupa ng maigting na kalagayan ng Gaza Strip at pagbabalik sa kapayapaan at kaayusan ng rehiyon, dagdag niya.


Pinasalamatan naman ni Mohamed ang pagkatig ng Tsina sa makatarungang usapin ng Palestina at kasama ng Tsina, nakahanda aniya ang UAE na pahigpitin ang kooperasyon sa mga suliraning pandaigdig para magkasamang pasulungin ang kapayapaan at kaunlaran ng rehiyon at buong daigdig.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil