UN climate change conference, binuksan sa Dubai

2023-12-01 12:58:44  CMG
Share with:

Binuksan kahapon, Nobyembre 30, 2023 sa Dubai, United Arab Emirates (UAE) ang ika-28 sesyon ng Conference of the Parties (COP28) ng UN Framework Convention on Climate Change (UNFCCC) na may temang “Pagkakaisa, aksyon at pagpapatupad.”


Sa seremonya ng pagbubukas, ipinahayag ni Sultan Ahmed Al Jaber, Presidente ng COP28, na buong sikap na pasusulungin ng pulong ang paglutas sa isyu ng pondo para sa pagbabago ng klima para tulungan ang pagharap ng umuunlad na bansa sa pagbabago ng klima, kasabay ng pagpapasulong ng sariling pag-unlad.


Bukod dito, nanawagan siya sa iba’t ibang kalahok na panig na magkaisa para mapanumbalik ang kompiyansa sa multilateralismo.


Ang pulong na ito ay tatagal mula Nobyembre 30 hanggang Disyembre 12.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil