Xi Jinping Sa Mga Mata Nila episode 8

2023-12-01 17:52:50  CMG
Share with:


Noong Nobyembre 2014, sa kanyang opisyal na pagdalaw sa Australia, pumunta si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Tasmania upang bumisita sa pamilya ni Jim Bacon, dating premyer ng estadong ito.

 

Nauna rito, dalawang beses na dumalaw si Bacon sa lalawigang Fujian sa timog-silangang Tsina, noong si Xi ay gobernador ng lalawigang ito, at sila ay naging matalik na magkaibigan.

 

Nakalulungkot, yumao si Bacon bago magkaroon si Xi ng return visit sa kanya. Gayunpaman, determinado ang pangulong Tsino na tuparin ang kanyang pangako.

 

Sa kanyang pagbisita sa pamilyang Bacon noong 2014, sinabi ni Xi na "narito ako ngayon para tuparin ang pangakong ginawa ko sa kanya, aking matagal na kaibigan."