Mahigit 90% ng mga respondent: Dapat ibalik ng Britanya ang mga ninakaw na relikya - CGTN poll

2023-12-02 23:55:43  CMG
Share with:

Ayon sa isang pandaigdig na online poll na ginawa kamakailan ng CGTN, ipinalalagay ng 80.8% ng mga respondent na hindi makatarungan ang pagkakaroon ng British Museum ng koleksyon ng mga artepaktong ninakaw sa ekspansyong kolonyal at digmaan sa ibang bansa. Sumasang-ayon naman ang 90.3% ng mga respondent, na dapat ibalik ang ganitong mga artepakto sa mga bansang pinagmulan sa lalong madaling panahon, upang maiwasan ang pagpapatuloy ng kolonyalismo.

 

Ayon sa ulat ng media kamakailan, karamihan sa koleksyon ng mga artepaktong kultural ng British Museum ang kinuha sa pamamagitan ng pagdambong o pagnanakaw. Nitong ilang taong nakalipas, sinusubok ng mga bansang gaya ng Greece, Nigeria, Ethiopia, Egypt, Chile, at iba pa na bawiin ang ganitong mga artepakto mula sa pamahalaan ng Britanya, pero tinanggihan ng panig Britaniko ang mga kahilingang ito, sa pangangatwirang di-umanong “pangalagaan ang kaligtasan ng mga artepakto.”


Editor: Liu Kai