Anumang pagsalakay sa ari-arian sa kalawakan ay ituturing na deklarasyon ng digmaan — Hilagang Korea

2023-12-03 10:39:42  CMG
Share with:

Ipinahayag Disyembre 2, 2023 ng tagapagsalita ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Hilagang Korea na ang anumang pagsalakay sa ari-arian ng bansa na nasa kalawakan ay ituturing bilang deklarasyon ng digmaan.


Winika ito ng tagapagsalita bilang tugon sa binitawang pananalita kamakailan ng panig militar ng Amerika tungkol sa reconnaissance satellite "Malligyong-1" ng Hilagang Korea.


Ayon sa Amerika, maaari nitong gamitin ang “reversible and irreversible methods” upang mabawasan ang kakayahan sa pagsasagawa ng operasyon sa kalawakan ng isang kalabang bansa.


Ito ay nagpapahiwatig ng intensyon ng panig Amerikano na salakayin ang naturang reconnaissance satellite ng Hilagang Korea, saad ng tagapagsalita.


Salin: Lito

Pulido: Rhio