Sa ngalan ni Pangulong Alberto Fernández ng Argentina, iginawad, Disyembre 1, 2023 ng Embahada ng Argentina sa Tsina, kay Shen Haixiong, Presidente ng China Media Group (CMG) ang “Namumukod na Gantimpala sa Pandaigdigang Pagpapalitan at Pagtutulungang Pangkultura.”
Sa kanyang video speech, sinabi ni Pangulong Fernández, na sa pamumuno ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, palagi at kapit-bisig na sumusulong ang relasyon ng Argentina at Tsina.
Lubos din niyang pinapurihan ang walang patid na pagtibay at paglalim ng pagkakaibigan ng dalawang bansa.
Samantala, sa kanyang hiwalay na talumpati, ipinahayag ni Sabino Vaca Narvaja, Embahador ng Argentina sa Tsina, na ang kultura ay mahalagang porma ng pagkakaisa ng mga Argentiniano at Tsino, at ang pagpapalalim ng pagpapalitan ay estratehikong pokus upang mapasulong ang sustenableng pag-unlad ng relasyong Argentino-Sino.
Pinasalamatan din niya ang CMG sa pagpapasulong nito ng pagpapalitan at pagtutulungang pangkultura ng dalawang basa.
Sa kanya namang mensahe, sinabi ni Shen, na komong palagay ng mga lipunang Tsino’t Argentiniano ang tuluy-tuloy na pagpapasulong ng relasyon ng dalawang bansa.
Mas magpupunyagi aniya ang CMG upang makapagbigay ng ambag tungo sa pagsulong ng relasyong Sino-Argentino sa bagong panahon, dagdag ni Shen.
Ito ang pinakahuling paggawad sa nasabing gantimpala ng kasalukuyang pamahalaan ng Argentina, bago ito bumaba sa puwesto.
Salin: Lito
Pulido: Rhio