Talastasan ng tigil-putukan ng Hamas at Israel, nasa deadlock: malawakang aksyong militar, ilulunsad ng tropang Israeli sa Gaza Strip

2023-12-03 10:38:07  CMG
Share with:

Patuloy hanggang Disyembre 2, 2023 ang pag-atake ng tropang Israeli sa maraming target sa Gaza Strip.


Inihayag ng Israel Self-defense Force (IDF), na sa loob ng 24 na oras makaraang magtapos ang kasunduan ng pansamantalang tigil-putukan, sinalakay ng mga sundalong Israeli ang mahigit 400 target sa Gaza Strip, at winasak ang 100 kuta ng Hamas.


Ayon naman sa departamentong pangkalusugan ng Gaza Strip, sapul nang muling sumalakay ang tropang Israeli noong unang araw ng Disyembre, mga 200 Palestinian na ang nasawi, at 589 na iba pa ang nasugatan.


Salin: Lito

Pulido: Rhio