Hanoi, Biyetnam — Sa kanyang pakikipagtagpo Disyembre 2, 2023 (lokal na oras) kay Le Hoai Trung, Miyembro ng Sekretaryat ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Biyetnam (CPV) at Ministro ng Komisyon ng Komite Sentral ng CPV sa Relasyong Panlabas, ipinahayag ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina, na 'comradely and brotherly' friendship ang pinakamalinaw na katangian ng relasyong Sino-Biyetnames.
Ani Wang, ang matibay na pagtitiwalaan at malalim na damdamin ng mga pinakamataas na lider ng CPV at Partido Komunista ng Tsina (CPC) ay pinakamahalagang garantiyang pulitikal sa pag-unlad ng relasyon ng kapuwa bansa.
Kasama ng Biyetnam, nakahanda aniyang masikap ang Tsina para maisakatuparan ang mga napagkasunduan ng mga lider at mabuting pagplanuhan ang mahahalagang adiyendang pulitikal ng dalawang bansa, at magkasamang mapasulong ang konstruksyon ng komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng Tsina at Biyetnam.
Ipinahayag naman ni Le Hoai Trung na may malakas na ugnayan ang partido, estado, at mga mamamayang Biyetnames sa Tsino.
Ang pagpapaunlad aniya ng relasyong Biyetnames-Sino ay estratehiko at preperensyal na pagpili ng patakarang panlabas ng Biyetnam.
Sa harap ng masalimuot at nagbabagong situwasyong pandaigdig, inaasahan ng panig Biyetnames na lalo pang mapapalakas ang mataas na lebel na ugnayan sa panig Tsino, at mapapasulong ang relasyon sa bagong yugto, tungo sa paglalatag ng mas mabuti at matibay na pundasyon sa kinabukasan ng relasyong Biyetnames-Sino.
Salin: Lito
Pulido: Rhio