Mensaheng pambati, ipinadala ni Xi sa 2023 Imperial Springs International Forum

2023-12-04 15:05:28  CMG
Share with:

 

Sa kanayang mensaheng pambati, Disyembre 3, 2023 sa 2023 Imperial Springs International Forum, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na sapul nang maitatag ang nasabing porum, tinatalakay rito ang mga isyung may kinalaman sa pandaigdigang kapayapaan at katatagan, sustenableng pag-unlad ng kabuhayan at pagpapalitang pangkultura.

 

Ito aniya ay gumaganap ng positibong papel sa pagpapasulong ng pandaigdigang koopersyon.

 

Diin ni Xi, bilang tugon sa kasalukuyang kalagayang pandaigdig, dapat magkaisa ang buong sangkatauhan, igiit ang win-win na kooperasyon, at magkasamang itatag ang mas magandang daigdig.

 

Umaasa siyang isasagawa ng mga kalahok ang malalim at malawak na pagtalakay tungo sa pagtatayo ng tunay na multilateralismo at pagtatatag ng komunidad ng sangkatauhan na may pinagbabahaginang kinabukasan.

 

Sa ilalim ng temang “Multilateralismo: mas maraming pagpapalitan, mas maraming pagbibigayan at mas maraming kooperasyon,” binuksan sa lunsod Guangzhou, lalawigang Guangdong, gawing Timog ng Tsina ang naturang porum.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio