Konstruksyon ng Shanghai bilang modernong sosyalistang metropolis, ipinagdiinan ni Xi Jinping

2023-12-04 12:41:26  CMG
Share with:

 

Sa kanyang paglalakbay-suri sa Shanghai mula Nobyembre 28 hanggang Disyembre 1, 2023, ipinagdiinan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na dapat pabilisin ang konstruksyon ng Shanghai bilang modernong sosyalistang metropolis, at modernong lunsod pandaigdig.

 

Para rito, kailangan aniyang itayo ang pandaigdigang sentro ng kabuhayan, pinansiya, kalakalan, paglalayag, at inobasyon ng siyensiya’t teknolohiya.

 

Bukod dito, dapat ding komprehensibong isakatuparan ng Shanghai ang bagong konsepto ng pag-unlad, pasulungin ang de-kalidad na pag-unlad, at konstruksyon ng bagong kayarian ng pag-unlad, dagdag ni Xi.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio