Poster: Mga kaalaman hinggil sa lupa

2023-12-05 14:56:18  CMG
Share with:

Itinatag ng United Nations (UN) ang Disyembre 5 bilang World Soil Day (WSD). Layon nito na palaganapin ang kahalagahan ng malusog na lupa at pasulungin ang sustenableng pangangasiwa sa yamang lupa.

 

May mahigpit na ugnayan sa pagtatanim ng pagkaing-butil at pamumuhay ng sangkatauhan ang lupa.

 

Narito ang mga kaalaman hinggil sa lupa.

1.     Ang 95% ng mga pagkaing-butil ay mula sa lupa.

2.     Ang paglilinang ng 2-3 sentimetrong lupa ay gumugugol ng 1000 taon.

3.     Ang kalidad ng 33% ng kabuuang lupa ng daigdig ay malubhang bumaba.

4.     Hangang sa taong 2050, dapat dagdagan nang 60% ang kabuuang bolyum ng output ng pagkaing-buti para makatugon sa pangangailangan ng buong daigdig sa pagkaing-butil.

5.     Mula noong Agosto 1, 2022, ipinatupad ng Tsina ang batas para sa pangangalaga sa black soil.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil