Pangulong Tsino, nanawagan na bigyan ng mas mahusay na papel ang Konstitusyon sa pamamahala

2023-12-05 15:44:19  CMG
Share with:

Nanawagan si Pangulong Xi Jinping ng Tsina na bigyan ng mas mahusay na papel ang Konstitusyon sa pamamahala ng Tsina.

 

Sa isang instruksyon, binigyan-diin ni Xi ang kahalagahan ng pagtataguyod ng awtoridad at kabanalan ng Konstitusyon habang isinusulong ang lalo pang pagpapabuti at pag-unlad nito.

 

Isinapubliko ang naturang instruksyon kahapon, Disyembre 4, 2023, sa ika-10 Pambansang Araw ng Konstitusyon.

 

Sinabi ni Xi na ang Konstitusyon ay tumatayo bilang pangunahing ligal na batayan para sa pamamahala ng Partido sa bansa, at ang pinakamataas na ligal na norma para sa pampulitika at panlipunang buhay ng bansa.

 

Binigyan-diin niya ang mga pagsisikap na pabilisin ang pagpapabuti ng sosyalistang sistemang ligal na may katangiang Tsino na ang Konstitusyon ang ubod nito, at walang humpay na palakasin ang pagpapatupad at pangangasiwa ng Konstitusyon.

 

Si Zhao Leji, Tagapangulo ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina ay dumalo sa pulong sa Beijing bilang pagdiriwang ng Pambansang Araw ng Konstitusyon.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil