Nag-usap sa telepono ngayong araw, Disyembre 6, 2023 sina Wang Yi, Miyembro ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Ministrong Panlabas ng Tsina, at Antony Blinken, Kalihim ng Estado ng Amerika.
Ipinahayag ni Wang na sa kasalukuyan, ang pangunahing gawain ng dalawang panig ay nagpapatuloy ng positibong impluwensiya ng pagkakatagpo nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Joseph Biden ng Amerika sa San Francisco, at isinasakatuparan ang komong palagay ng pangulo ng dalawang bansa para pasulungin ang pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano tungo sa direksyong malusog, matatag at sustenable.
Muling idiniin ni Wang ang paninindigang Tsino sa isyu ng Taiwan. Hiniling niya sa panig Amerikano na huwag makialam sa suliraning panloob ng Tsina at suportahan sa anumang paraan ang puwersa ng pagsasarili ng Taiwan.
Nagpalitan din sina Wang at Blinken ng palagay hinggil sa sagupaan ng Palestina at Israel at sinang-ayunan ng dalawang panig ang pananatili ng pag-uugnayan hinggil sa kalagayan ng Gitnang Silangan.
Ipinahayag ni Wang na ang kasalukuyang pangunahing gawain ay ang pagtigil ng putukan at sagupaan.
Saad pa ni niya na ang nukleo ng paglutas sa isyu ng Palestina ay paggalang sa kapangyarihan ng Palestina sa pagtatatag ng nagsasariling estado at nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng iba’t ibang panig, para lutasin ang mga isyung ito.
Inilahad ni Blinken ang kalagayan ng kanyang katatapos na pagdalaw sa Gitnang Silangan at paninindigan ng Amerika sa kalagayan ng Palestina at Israel.
Sinang-ayunan din ni Blinken ang pagsasakatuparan ng “two state solution”.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil