Mensaheng pambati, inihayag ni Xi Jinping sa pagkahalal ni Andry Nirina Rajoelina bilang pangulo ng Madagascar

2023-12-07 10:09:10  CMG
Share with:

Sa kanyang mensaheng pambati, Disyembre 5, 2023 kay Andry Nirina Rajoelina kaugnay ng kanyang muling pagkahalal bilang pangulo ng Madagascar, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na nitong ilang taong nakalipas, mabilis na umuunlad ang relasyon ng dalawang bansa, at mabunga ang kooperasyon at pagpapalitan ng sa iba’t-ibang larangan.

 

Lubos aniyang pinahahalagahan ng panig Tsino ang pag-unlad ng relasyon sa Madagascar, at kasama ni Pangulong Rajoelina, nakahanda siyang patuloy na pasulungin ang mas malaking progreso ng komprehensibo’t kooperatibong partnership ng dalawang bansa.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio