Resolusyong “No first placement of weapons in outer space,” pinagtibay ng UNGA

2023-12-07 16:10:04  CMG
Share with:

Pinagtibay kamakailan ng Ika-78 Sesyon ng United Nations General Assembly (UNGA) ang resolusyong tinaguriang “No first placement of weapons in outer space” na magkasamang itinaguyod ng Tsina at Rusya.

 

Kaugnay nito, ipinahayag Disyembre 6, 2023, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ipinakikita ng nasabing resolusyon, na suportado ng komunidad ng daigdig ang pandaigdigang batas sa pagkontrol sa mga sandata, at di-paglalagay ng sandata sa kalawakan.

 


Tinukoy ni Wang na ang pangangalaga sa kapayapaan at kaligtasan, at pag-iwas sa arm race sa kalawakan, ay komong boses ng komunidad ng daigdig.

 

Sa kabila nito, may ilang bansa aniyang nagnanais palawakin ang kanilang puwersang militar sa kalawakan.

 

Umaasa aniya ang Tsina na itatama ng kinauukulang bansa ang maling askyon nito, at susuportahan at konstruktibong makikilahok sa negosyasyon ng instrumento ng batas sa pagkontrol sa mga sandata sa kalawakan, tungo sa pangangalaga sa pandaigdigang kaayusan sa ilalim ng pundasyon ng pandaigdigang batas.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio