Ministrong panlabas ng Tsina at Cambodia, nagtagpo

2023-12-08 14:15:38  CMG
Share with:

Nagtagpo kahapon Disyembre 7, 2023 sa Beijing sina Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, at Sok Chenda Sophea, Pangalawang Punong Ministro at Ministrong Panlabas ng Cambodia sa ika-8 pulong ng mga ministrong panlabas ng Lancang-Mekong Cooperation (LMC).


Sinabi ni Wang na dapat igiit ng dalawang bansa ang landas ng pagkakaisa, kooperasyon at win-win situation.


Saad pa ni Wang na kasama ng Cambodia, nakahanda ang Tsina na magkasanib na bigyan-dagok ang online gambling at transnasyonal na krimen.


Sinabi ni Sok Chenda Sophea na sa ilalim ng balangkas ng Belt and Road Initiative, ang kooperasyon ng Cambodia at Tsina sa imprastruktura ay nagdulot ng aktuwal na benepisyo para sa mga mamamayang Cambodian.


Umaasa aniya siyang ibayo pang mapapahigpit ang ganitong kooperasyon.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil