CCG: Pilipinas, responsable sa mapanganib na engkuwentro sa paligid ng Ren’ai Jiao

2023-12-10 11:47:25  CMG
Share with:

Inihayag, Disyembre 10, 2023 ng China Coast Guard (CCG) na ang Pilipinas ang responsable sa mapanganib na engkuwentrong naganap sa karagatang nakapaligid ng Ren’ai Jiao sa Nansha Qundao ng Tsina.


Sinabi ng CCG, walang permisyon at ilegal na pumasok sa karagatan ng Ren’ai Jiao ang 2 barko ng Philippine Coast Guard, 1 public service vessel at 1 supply ship.


Alinsunod sa batas, isinagawa ng CCG ang hakbangin ng pagkontrol sa nasabing mga barko ng Pilipino, anang pahayag.


Sinabi pa ng CCG, na ang aksyon ng panig Pilipino, ay malubhang lumapastangan sa soberanya ng Tsina.


Salin: Lito

Pulido: Rhio