Resulta ng halalan ng ika-7 District Council ng HKSAR, inilabas

2023-12-11 15:08:44  CMG
Share with:

Inilabas ngayong araw, Disyembre 11, 2023 ang resulta ng halalan ng Ika-7 District Council Ordinary Election ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR).

 

Ayon sa resulta, 176 na constituency councilor ng mga pandistritong komite, at 88 geographical constituency councilor ang naihalal.

 

Tatagal ng 4 na taon, magsisimula ang termino ng mga bagong mambabatas sa Enero 1, 2024.

 

Ito ang kauna-unahang halalan ng District Council ng HK matapos maitatag ang sistemang batay sa prinsipyong “patriots administering Hong Kong.”


Salin: Ernest

Pulido: Rhio