Sa seremonya ng pagbubukas ng Ika-21 Doha Forum, Disyembre 10, 2023 sa Qatar, ipinahayag ni Antonio Guterres, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN), na bagamat naparalisa ng heopulitikal na di-pagkakasundo ang mapayapang paglutas sa hidwaang pandaigdig, hindi titigil ang UN sa pagsusulong ng makataong tigil-putukan sa Gaza Strip.
Matatandaang ibineto, Disyembre 8 ng Amerika ang isang panukalang batas sa UN Security Council (UNSC) na naglalayong pasulungin ang makataong tigil-putukan sa pagitan ng Palestina at Israel.
Dismayado ang maraming bansa sa kapasiyahang ito ng Amerika.
Hinggil dito, hinimok ni Guterres ang UNSC na magsikap upang mapigilan ang makataong kapahamakan sa Gaza Strip.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio