Xi Jinping at Nguyen Phu Trong, nag-usap

2023-12-12 17:16:18  CMG
Share with:

Hanoi, Biyetnam — Nag-usap hapon ng Disyembre 12, 2023 (lokal na oras), sina Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulo ng bansa, at Nguyen Phu Trong, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Biyetnam (CPV).


Sinabi ni Xi na nitong ilang taong nakalipas, matatag ang situwasyong pulitikal, mabilis na umuunlad ang kabuhayan ng Biyetnam, walang patid na bumubuti ang pamumuhay ng mga mamamayang Biyetnames, at malinaw na tumaas ang komprehensibong puwersang pang-estado at katayuang pandaigdig ng bansang ito.


Ito aniya ay lubos na nagpapakitang sa pamumuno ng CPV, mabilis na sumusulong ang mga mamamayang Biyetnames sa landas ng sosyalistang konstruksyon na angkop sa kalagayang pang-estado ng bansa.


Bilang katuwang at matalik na kaibigan, lubos na ikinasisiya ng Tsina ang mga ito.


Ani Xi, nakahandang ipatalastas niya kasama ni Nguyen Phu Trong ang bagong antas ng relasyon ng dalawang partido at bansa upang kapit-bisig na maitatag, sa pundasyon ng pagpapalalim ng komprehensibo, estratehiko, at kooperatibong partnership ng Tsina at Biyetnam, ang komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng kapuwa bansa na may estratehikong katuturan.


Salin: Lito