Peng Liyuan at Ngo Thi Man, bumisita sa Vietnamese Women's Museum

2023-12-12 21:21:20  CMG
Share with:

Kasama ni Ngo Thi Man, asawa ni Nguyen Phu Trong, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Biyetnam (CPV), bumisita hapon ng Disyembre 12, 2023 (lokal na oras), si Peng Liyuan, Unang Ginang ng Tsina, sa Vietnamese Women's Museum.


Sa pagpapalitan nila ng mga babaeng kinatawang Biyetnames, ibinahagi ni Peng ang kanyang mga gawain bilang espesyal na sugo ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) sa pagpapasulong ng edukasyon ng mga babaeng bata at kababaihan.


Ipinahayag niya na lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang paggarantiya sa iba’t-ibang karapatan ng mga kababaihan, at mayroong mga mabuting karanasan ang Biyetnam sa mga aspektong gaya ng pagpapasulong ng usapin ng kababaihan, pagpapataas ng katayuan ng kababaihan, at paggarantiya sa karapatan at kapakanan ng mga kababaihan.


Kaya maaaring palakasin ng kapuwa panig ang pagpapalitan upang tulungan ang mas maraming babae sa pagbabago ng kanilang sariling kapalaran at maisakatuparan ang halaga ng kanilang buhay, ani Peng.


Dagdag pa niya, umaasang mapapalalim ang pagpapalitang pangkultura ng Tsina at Biyetnam para makalikha ng mas maraming kabanata ng pagkakaibigang Sino-Biyetnames.


Salin: Lito