Pangulong Tsino: nahanap ng Tsina at Biyetnam ang landas tungo sa pagkakatatag ng komunidad ng may pinagbabahaginang kinabukasan para sa buong sangkatauhan

2023-12-12 16:24:02  CMG
Share with:

Ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na nahanap na ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Partido Komunista ng Biyetnam (CPV) ang isang landas tungo sa magkakasamang pagtatatag ng isang komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan para sa buong sangkatauhan.

 

Sinabi ito ni Xi sa kanyang nilagdaang artikulo na inilathala Disyembre 12, 2023, ng Nhan Dan Newspaper ng Biyetnam, bago ang pagbisita ni Xi sa bansa.

 

Ang artikulo ay may pamagat na “Building a China-Vietnam Community with a Shared Future That Carries Strategic Significance and Writing Together a New Chapter In Our Modernization Drive.”

 

Sinabi ni Xi na ang taong ito ay ika-15 anibersaryo ng pagtatatag ng komprehensibo, estratehiko at kooperatibong partnership ng Tsina at Biyetnam.

 

Sinabi niya na “gaano man nagbago ang pandaigdigang kapaligaran, ang ating mga partido at bansa ay magkasamang nagsisikap para itaguyod ang kapayapaan at katahimikan, ituloy ang pag-unlad at pagtutulungan, at itaguyod ang kaunlaran at pag-unlad. Nahanap na natin ang isang magandang landas ng sama-samang pagbuo ng isang komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran para sa sangkatauhan.”

 

Nakahanda ang Tsina na isama ang sarili nitong pag-unlad kasama ng mga kalapit na bansa, at makipagtulungan sa mga kalapit na bansa para bumuo ng isang komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran, upang ang lahat ay sama-samang mamuhay ng magandang buhay. 

 

Panatilihin ang estratehikong koordinasyon para patibayin ang pundasyong pulitikal ng komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng Tsina at Biyetnam; ganapin ang komplementaryong bentahe para palakasin ang pundasyong pangkooperasyon ng komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng Tsina at Biyetnam; palakasin ang mapagkaibigang pagpapalitan para patibayin ang pundasyon ng pampublikong opiniyon ng komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng Tsina at Biyetnam; at maayos na hawakan ang mga pagkakaiba para palawakin ang pundasyon ng komong palagay ng komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng Tsina at Biyetnam, ani Xi.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil