(Updated) Pangulong Tsino at Punong Ministro ng Biyetnam, nagtagpo

2023-12-13 16:20:17  CMG
Share with:

Sa pagtatagpo ngayong araw, Disyembre 13, 2023 sa Hanoi nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pham Minh Chinh, Punong Ministro ng Biyetnam, tinukoy ng pangulong Tsino, na sa kasalukuyan, nananatiling maganda ang pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.

 

Aniya, sa kanyang pagdalaw sa Biyetnam, nalagdaan ang mga dokumento ng kooperasyon sa iba’ t-ibang larangan.

 

Ipinakikita aniya nito, na napakalalim at napakalawak ng relasyong Sino-Biyetnames.

 

Ang pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng Tsina’t Biyetnam na may estratehikong katuturan, ay magdudulot ng mas malaking kapakanan para sa mga mamamayan ng dalawang bansa at posibitong ambag para sa katatagan, kapayapaan at kaunlaran ng rehiyon at daigdig, dagdag ni Xi.

 

Sinabi naman ni Pham Minh Chinh na palagiang iginigiit ng Biyetnam ang patakarang isang-Tsina.

 

Kinakatigan ng Biyetnam ang pagganap ng mahalagang papel ng Tsina sa mga suliraning pandaigdig, dagdag niya pa.

 

Kasama ng pamahalaan ng Tsina, mabisa aniyang isasakatuparan ng pamahalaan ng Biyetnam ang mga komong palagay na narating nila ni Pangulong Xi.

 

Salin: Ernest

Pulido: Rhio