Unang ginang ng Tsina’t Vietnam, bumisita sa VNU

2023-12-13 15:12:43  CMG
Share with:

Sa pagbisita ngayong araw, Disyembre 13, 2023 nina Unang Ginang Peng Liyuan ng Tsina, at Unang Ginang Phan Thi Thanh Tam ng Biyetnam sa Vietnam National University (VNU), inihayag ng una ang pag-asang ibayo pang mapapahigpit ng dalawang bansa ang pagpapalitan at kooperasyon sa edukasyon.

 

Sinabi pa ni Peng na nais niyang magpunta sa Tsina ang mas marami pang estudyanteng Biyetnames para mag-aral.

 

Ito aniya ay maaring palalimin ang pagkaunawaan at pagkakaibigan ng dalawang bansa.

 

Bukod diyan, nakipag-usap din ang dalawang unang ginang sa mga kinatawan ng mga estudyanteng Biyetnames sa VNU.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio