Hanoi, Biyetnam — Nag-usap ngayong araw, Disyembre 13, 2023 (lokal na oras), sina Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulo ng bansa, at Vo Van Thuong, Pangulo ng Biyetnam.
Tungkol sa naunang pakikipagkita ni Xi kay Nguyen Phu Trong, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Biyetnam (CPV), sinabi niyang mahaba at malalim na pag-uusap ang naisagawa, at magkasama ring ipinatalastas ang pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kapalarang Sino-Biyetnames na may estratehikong katuturan.
Dagdag ni Xi, kapit-bisig nalikha ang bagong yugto ng pag-unlad ng relasyon ng dalawang partido at bansa.
Kasama ng panig Biyetnames, magsisikap aniya ang panig Tsino upang mapalalim ang estratehikong pagkokoordinahan, mapasulong ang pagtatatag ng naturang komunidad, at mas malaking mabenepisyunan ang mga mamamayan ng dalawang bansa.
Salin: Lito
Pulido: Rhio